ACTIVITY 1
ESTUDYANTE
Cris E. Manzano
Minsan nakakatamad gimising sa umaga,
Lalo na kung araw-araw mo itong ginagawa.
Pero sa buhay estudyante masasanay ka rin,
Lalo na kung ito ang palaging gagawin.
Mga asignatura ay dapat lagi mong ipapasa,
Para sa huling markahan 'di ka magpoproblema
Hindi maiiwasan ng pagkakataon,
Lalo na sa makabago nating panahon.
Mga nakaka-istress na proyekto,
Lalo na kapag sabay-sabay ito.
Minsan nakakasakit na nga ng ulo,
Pero kakayahain ito para may magandang grado.
Buhay nang estudyante, mahirap man ngunit masaya,
Lalo na kapag kasama ang kaibigan ay kay sigla.
Hindi natin malilimutan ang panahon na iyan,
Kahit ilang taon pa man ang magdaan.